Saturday, May 5, 2012

WAG KANG MAGULO, ARTIST AKO!


Parang mga land mine kung iwasan ng nanay ni Badong ang mga gamit nitong nakakalat sa sahig. "Badong!!!" bulalas ni mama. "Por Dios por santo, mag-ayos ka naman ng kwartooo!!!" Sasagot naman 'tong si Badong: "Ma, sinabi nang artist ako eh!" Yan si Badong. Artist. Misunderstood.

Pero misunderstood nga ba sila? Syempre bago natin masagot yan kailangan muna natin i-qualify kung ano ba ang 'art.' Art daw "is a term that describes a diverse range of human activities...most often understood to refer to painting, film, photography, sculpture, and other visual media. Music, theatre, dance, literature...are included in a broader definition of art." Ngayon may ideya na tayo kung ano bang pinaggagagawa ng mga weirdong 'to bukod sa guluhin ang kwarto nila.

Tanggap na nga ng makabagong lipunang Pilipino ang iba't ibang anyo ng sining; pero may mga guhit pa ring nagtatakda sa pinagkaiba ng mga 'artist' sa 'karaniwang tao.' Bukod siyempre sa malikhain nilang pagdadala sa sarili (long hair, tatoo, all black, rainbow colors, etc), ay naroroon pa rin ang konsepto na sila ay 'masyadong malalim' o 'hindi maabot.' Naalala niyo ba nang pinagtalunan natin kung tama bang ginawang National Artist si Carlo J. Caparas? Tanong ng mga supporter niya: wala na bang karapatan sa titulo ang isang galing sa hirap? Teka teka, 'di naman yun ang usapan ah. Ang tanong lang naman namin ay kung oras na ba para i-level siya kina Bienvenido Lumbera at Nick Joaquin. Sa'n galing yung pagiging mahirap? Kitam. Tayo rin ang nagtatakda ng guhit e.

Kapag pakiramdam ko minsan 'misunderstood' ako, palagi kong naririnig na sinasabi nila, "artist ka kasi." Waw, salamat. Pero hindi ko yata matatanggap yun dahil bukod sa hindi naman talaga ako 'artist,' ayaw ko lang din siguro yung konsepto na nilalakihan natin yung pagitan ng mga taong 'to sa 'tin. Kung tutuusin, wala naman talaga silang pinagkaiba sa 'karaniwang tao' dahil karaniwang tao lang naman din sila. Nagkataon lang sigurong yun ang trip nila, at nagkataon lang din na mas dominante ang kanang bahagi ng utak nila que sa kaliwa. Ano ba kasi ang layunin ng sining? Hindi ba para maipahayag at maipaunawa ang mga mahahalagang bagay na kadalasan nating nakakaligtaan?

Siguro nga mahirap mahalin yung paraan ng pagpapahayag o form of expression ng mga 'artist'---bakit nga ba naman kasi kailangan pang ipinta o kaya gawing tula imbes na sabihin na lang diba? Pero buksan mo ang isip mo. Dahil ang sining na iniisip mong di mo maabot ay araw-araw mo lang naman din nakakasalamuha. Kaya mas mainam siguro ang kahulugan ng art na ito : "the use of skill and imagination in the creation of aesthetic objects, environments, or experiences that can be shared with others." Kahit ano. Basta galing sa 'yo, at ipinapamahagi mo. #



photo credit: Wikipedia



2 comments:

  1. magkaiba ang communication at expression. yung mga artist, hindi umaasa sa madaliang resulta, spoonfeeding, o "basta-makabenta" attitude. but then again kanya-kanyang style yan.

    in other words, in some ways, kahit tumanggi ka pa, artist ka din. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. AGREE ako sa unang paragraph mo! :) Ok, artist na kung artist. Ayoko lang talaga sana ng guhit dahil lahat naman capable para maunawaan tayo. Di nga lang appreciated madalas, but oh well. :)

      Delete