1) Hi Ate ! Nakapag-adjust ka na ba sa weather diyan?
2) May boyfriend ka na?
Epic. Question. Number. Two. Yeng tetee? Iniisip ko nga, saan kaya sila nanggagaling? Masaya naman ako at alam ko ang gusto ko sa buhay ko. Explicitly ko namang sinabing nagpunta ako rito para mag-aral. Anong kinalaman ng boyfriend? Ni hindi ako tinanong kung ano na ang natutunan ko at pwede ko iuwi sa Pilipinas so far. Enebeyen.
Napipilitan tuloy ako maging pilosopo paminsan. Kung hindi ko dadaanin sa normal na "wala pa eh" dahil di naman kami masyado close nung nagtanong to begin with, napipilitan akong maging malikhain. Sa katunayan meron na akong kaunting canned responses na naipon:
a.) 'Pag sinabihan kang magte-trenta ka na at "kailangan" mo nang bumuo ng sariling pamilya soon:
*Wow. 'Di pwedeng maiba? Inalam mo man lang ba kung anong plano ko sa buhay ko?*
b.) 'Pag in-insist pa rin na tumatakbo na ang biological clock:
*Hindi ko po hinahabol. Ktnxbye.*
c.) 'Pag sinabing choosy/mataray ka kasi:
*Eh? Kasalanan ko pa kung hindi nila ako masabayan? Namambuhay 'to oh.*
d.) 'Pag sinabing marami namang "gwapo" sa Alemanya at mabenta ang Pinay beauty sa mga Kanluranin:
*Halika 'teh, ikaw na lang dito.*
e.) 'Pag sinabihan kang tomboy ka 'ata eh:
*Affected ka? Lelz.*
f.) 'Pag tinanong ka kung bakit:
*Dahil gusto ko. [Mic drop]*
g.) 'Pag sinabi mong dahil yun ang gusto mo pero sinabihan kang bitter/defensive ka lang pero bothered ka talaga deep inside:
*[FACE PALM]*
Pero dahil kalmado naman ako (in general, by default), hindi ko pa naman nagamit ang mga canned responses ko sa kahit na sino. Kidding aside though, mahirap bang unawain kapag may mga tao (kababaihan, to be more specific) na hindi umaayon ang takbo ng buhay sa karaniwan? It frustrates me, honestly. Sa isang lipunan ng ika-dalawampu't isang siglo kung saan inaakala mong 'progresibo' na ang kaisipan ng mga tao, may bahagi pa ring maaaring hindi pa handa o hindi talaga bukas sa mga bagay na labas sa nakasanayan. Maraming impluwensiya, syempre, at hindi rin naman natin pwedeng lahatin. Nariyan ang kinalakhang pamilya, kultura, relihiyon, ang environment na ginagalawan, mga personal na karanasan, at ang exposure at access sa iba't ibang uri ng impormasyong may kinalaman sa ebolusyon ng lipunan. Nasaan ba ang ugat? Nasa tingin pa rin ba ng "modernong" lipunan sa papel na ginagampanan ng kababaihan?
Marami tayong pag-uusapan tungkol diyan. At dahil marami akong oras dahil wala naman akong boyfriend and I'm not spending my time looking for one, mas mainam pa sigurong upuan natin paminsan ano ba'ng masasabi mo sa paksang 'yan. Kalmado ako, wag kang mag-alala. Pero isang tanong pa, bibigwasan na talaga kita. #
Here's mine:
ReplyDeletea.) 'Pag sinabihan kang magte-trenta ka na at "kailangan" mo nang bumuo ng sariling pamilya soon:
"Kailangan? Whose perspective? Whose definition? Hindi ako sakop ng societal structure you perceive to be true and holy. If the purpose of life is to live it meaningfully, kaya kong mabuhay nang may kabuluhan ng walang sariling pamilya, o kung kailan ko man gusto magka-pamilya, o kung kilalanin ko na lamang na pamilya ang mga hindi ko kaano-ano"
b.) 'Pag in-insist pa rin na tumatakbo na ang biological clock:
"Mag-expire na si uterus kung gusto na niya mauna sa hukay pero hindi ako pagawaan ng bata."
c.) 'Pag sinabing choosy/mataray ka kasi:
"WYSIWYG. Hindi ako yung patweetums-tweetums tapos pag umasenso ka na at kasal na tayo at ako na ang beneficiary ng estate mo eh saka kita papatayin via Indirect Intent."
d.) 'Pag sinabing marami namang "gwapo" sa Alemanya at mabenta ang Pinay beauty sa mga Kanluranin:
"Sa kasamaang palad, maraming gwapo na serial killer at psychopath. Ayokong maging legacy ko ang magpanganak sa Joseph Mengele ng Pilipinas."
e.) 'Pag sinabihan kang tomboy ka 'ata eh:
"Eh di sana may girlfriend na ako 'no? Eh @$@#%#% kahit puno hindi ako gusto eh huhuhuhuhu. JK. mataas standards ko. lagpas stratosphere. ni lalake, ni babae, ni amoeba, ni protozoa, wala pang naka-meet sa standards ko. don't me."
f.) 'Pag tinanong ka kung bakit:
"kasi nga sabi ni Taylor Swift, the best people in life are free. eh i wanna be the very best. no one ever was. to catch them is my real test. to train them is my cause. #pokemon."
g.) 'Pag sinabi mong dahil yun ang gusto mo pero sinabihan kang bitter/defensive ka lang pero bothered ka talaga deep inside:
"wow, tagal na natin magkausap / magkaibigan / magkakilala pero never kong naisip na magaling kang fiction writer. tara besh, sulat mo yan. sungkitin natin ang Palanca. Gow gow gow!!!"
Oi, puso mo mehn hahahaha. 😂 Pero salamat sa pag-elaborate. Pinaikli ko lang talaga dahil baka i-take down ng Google 'tong site 'pag di ako nagpigil eh. 😛
DeleteBtw sa haba ng tinype mo pwede na sanang blog post. Bigwasan kaya kita? 😆