I practically grew up knowing the old Cubao. Naalala mo yung Christmas show dati sa C.O.D. 'pag malapit na mag-Pasko? Walang sinabi yung Greenhills dun, dude. Eh yung Fiesta Carnival? Nung bata ako para na 'kong nakapag-EK pag sinasakay kami ni Daddy sa chipipay na tsubibo dun. Nandun pa rin naman yung building. Shopwise na nga lang siya ngayon.
Ngayong matanda na 'ko though, for some reason, Cubao pa rin ang puntahan ko. 'Pag naba-badtrip ako at gusto ko mapag-isa, nagpupunta ako ng Cubao. Pagkatapos ko lakarin yung kahabaan ng Farmers hanggang Gateway hanggang Araneta Coliseum hanggang Ali Mall hanggang SM, uuwi na ako. 'Pag may kailangan akong bilhin, titignan ko muna kung meron sa Cubao. 'Pag trip ko maghanap ng lumang bagay, sinasadya ko yung Cubao Expo.
Ewan ko anong meron sa Cubao. Siguro una, dahil malapit lang. Isang sakay, convenient nga naman. 'Pag trip mo naman magdala ng sasakyan, mag-park ka lang sa Shopwise at bumili ng kung ano, libre na parking ticket mo. Pangalawa, dahil siguro may saktong timpla ng gulo at kaayusan, ng luma at bago, at ng ingay at katahimikan. Makikita mo yung mga jeje sa Farmers pagbaba ng MRT pero 'pag lumakad ka sa Gateway susunugin ka ng Rustans sa presyo ng mga bagay-bagay. Pumupunta lang ako dun dahil malakas yung aircon. Tsaka dahil nandun yung Fully Booked. Dati. Balita ko naging Uniqlo na raw ngayon yun. Lech. Oh well, may National pa rin naman. Na binawasan na rin daw ng isang level. Lech ulit. Pangatlo, siguro dahil simpleng tao lang naman ako. Masaya na 'kong binabalik-balikan yung mga lugar na may naaalala ako, kahit marami na rin namang nagbago. Siguro dahil sa lugar ng mga alaala, nag-iba man ang itsura, may pakiramdam na mananatili at ikaw lang ang makakaunawa.
Yeah, I'm boring like that. I'm mababaw like that. I'm ma-sentimiento like that. Masaya na 'ko sa maliliit na bagay. Supermarket hopping. Kain. Titingin kung may exhibit sa libreng art gallery. Walang katapusang lakaran. Masaya na 'kong gumagala sa mga lugar na pwede lang ako magmasid at mag-isip-isip. So, sasamahan mo ba 'ko sa Cubao pag-uwi ko? #
yes.
ReplyDeleteay, ako ba tinatanong mo? >_<
Lol idol pwede naman. Sabi mo though ang gulo dun andaming tao. >_<
DeleteHmmm. Napaluha ako while reading. Same feels kasi :) though you are matapang pumunta sa lugar with memories
ReplyDeleteHmmm. Napaluha ako while reading. Same feels kasi :) though you are matapang pumunta sa lugar with memories
ReplyDeleteJharis, thanks for dropping by! ^_^ Well, I'm not matapang... Let's just say my mind has an automatic filter in retaining only the good memories with people and places. It's something physiological. :)
Delete