Thursday, June 30, 2016

AWKWARD

"Hi! Bigla kitang naisip. Wala lang. :)" Wait. Masyadong feeling close. May smiley pa. Kahiya. Backspace backspace backspace. Hmmm. Eto na nga lang. "Hello". Walang punctuation mark para safe. Send.

"Uy!!! You're alive! Musta? :)" Nako. Bakit ba sinend ko kaagad yun? Baka sabihin inisip kong patay na siya. Diyahe. Hayaan mo na nga.

You're alive talaga? Ang tagal ko yatang di nagparamdam. Kambiyo konti. "Ok lang. How are you?" Keri naman na siguro yun. Generic lang. Kaso 'di ba parang ang cold? 'Di naman siguro.

Yikes, ang cold naman neto. :( "Ok naman, buhay pa rin. :)" Send. Ay wait. Ano nga ba yung huli naming usapan last year? Baka sakaling mag-warm-up pag binanggit ko. (Halungkat sa Inbox. Finds it.)  "Kumusta kayo ni [Person A]? {since di naman niya pinangalanan dahil di naman sila close kahit dati} 'Di ba magkikita sana kayo? Anyare?" Send.

In fairness, naalala niya pa yun. "Ahh, yun? Wala naman. Hindi kami natuloy. Tinawag siya ng Kalikasan." Send.

Ano daw? Joke ba yun o poetic? 'Di ko gets. Kaso nakakahiyang pa-explain, baka sabihin ang slow ko. "Ah talaga. Sayang naman. Baka hindi pa oras na magkita kayo. :)" Hala. Wala na akong masabi. Change topic. "Dun ka pa rin nagwo-work?" Kahit never naman niya binanggit sa 'kin san siya nagwo-work. >_<

LOL sa 'hindi pa oras.' "Yep. Dun pa rin. Wala namang bago. Pasok sa umaga, uwi sa gabi. Pinapayaman yung kumpanya. Ako eto, mahirap pa rin." 

"Haha same lang pala tayo eh. Corporate slaves. :P" Ayan medyo nagkukunwento na siya.

"Yeah."

":)"

":)"

---


Bahala ka na magbigay ng ending. Best ending suggestion wins the prize. :D

6 comments:



  1. Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: ano ba yan puro smiley
    Character 2: hihihi
    Character 1: kelan ka pa tumawa ng hihihi
    Character 2: malapit lang ang i sa h eh. mas madali i-type kesa haha. 4 characters din kaya layo nun
    Character 1: tamad mo magtype pero dami mo sinabi
    Character 2: haha
    Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: lol
    Character 2: :P
    Character 1: ano ba?
    Character 2: wala
    Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: :)
    Character 2: :)
    Character 1: puro :)?
    Character 2: puro :)!
    Character 1: :)
    Character 2: :)

    meanwhile, nagkaroon ng zombie outbreak sa buong mundo. nagkamatayan ang mga tao. pero sila, silang nakakulong sa sarili nilang mundo kakatype ng ":)" ay nanatiling ligtas at walang kaalam-alam.

    kinabukasan, nang napag-tripan nilang lumabas sa kanilang lungga, nagtsa-charge kasi ng cellphone, makikita nila ang kalunos-lunos na estado ng mundo.

    wala silang ibang reaksyon kundi ang pagmumuni na kung kaya lang sana itapal ang ":)" sa mga pagmumukha nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. In fairness mehn mas mahaba pa yung na-compose mo que sa post ko. :P Mej morbid pero dahil very creative at may social relevance, sige na panalo ka na. Paalala mo 'ko singilin ng premyo hahaha.

      :) ---> LOL

      Delete
    2. daming sinabi. ayaw pa diretsuhin na winner by default. walang kalaban. :P

      Delete
    3. wow ah. malay mo ba kung sinubmit sa 'kin hard copy, via DHL? :P

      Delete
  2. oo nga pala, ako'y lubhang nakakalimot. isa ka nga palang patnugot. ikaw ang pinapadalhan ng manuscript! *bow down*

    ReplyDelete
    Replies
    1. TSEH!!! 😂 FYI wala naman akong ibang natatanggap sa mail kung hindi bills, bills, and more bills. Padalhan mo ako ng tseke para maiba naman. Yung blank ah. Tenksmats labyu mwahugs. 😆

      Delete