Sunday, July 15, 2012

ISA NGA PONG 2-PC CHICKEN AT DOUBLE CHEESEBURGER



Kapag binubuksan ko na ang baunan ko 'pag tanghalian, madalas kong makuha yung tanong na, "kumakain ka ba ng karne?" Bakit nga ba naman hindi ako matatanong, e kung hindi pechay o tokwa o puso ng saging ang laman ng baunan ko, ay isdang pinakuluan na may dahun-dahon pero mukha pa rin namang walang lasa. "Health conscious?" Di rin. "Muslim?" Lalong hindi. Eto na sasabihin ko na nga kasi.

Minsan siguro iniisip natin na 'pag kumakain tayo ng corned beef kunwari, yung baka na yun ay lumaki sa isang cute little red barn na puno ng dayami, tapos ginagatasan sila dun kung kailan sila nasa mood. Kasama nila ang mga manok sa isang parte ng farmhouse, kung saan tahimik nilang nililimliman ang mga itlog na gagawin nating sunny side-up at leche flan. But no. Sa dami ng Bon Chon at KFC at McDonald's sa Pilipinas at sa mundo, tingin mo ba ganun pa rin ka-relaks ang pagpapadami ng baka, manok, at kahit na anong hayop na pinagkukuhaan ng karne ngayon? Para mas masaya, panuorin mo 'to: Meet Your Meat.

Sa madaling salita, masyado nang mataas ang demand ng food supply dahil sa dami ng tao sa mundo. Kung hindi sila mamadaliing palakihin at patayin nang ganito, malamang kalahati na sa mundo ang nagutom.

Pero malamang marami naman sa inyo madidiri lang ngayon tapos bukas kakain na ulit ng litson. Ang sarap e, diba? Pero bukod sa usaping pangkalusugan at tamang pagtrato ng mga nilalang na may buhay, may isa pang matinding dahilan.

Siguro hindi mo namamalayan na sa bawat pagkain mo ng karne, isa ka sa mga taong nakikiisa sa paglaganap ng kahirapan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ano daw? Labo naman nun. OK. Babalikan natin ang mataas na demand para sa food supply. Meron tayong dalawang uri ng food supply: yung deretsong napupunta sa hapag, at yun namang ginagamit sa industriya. At dahil nga mataas ang demand ng industriya o yung para sa produksyon ng karne (kasama na mga fast food chains), ang food supply na dapat napupunta deretso sa hapag ng tao ay pinapakain sa mga hayop. At yung lupang dapat pinagtataniman ng gulay, nilalaan pa sa mas malaking produksyon ng karne. Kaya imbes na yung cassava na kinain sana ng isang pamilya ng magsasaka, pinakakain sa baka. In short,

1.) Busog yung baka. Yung parehong bakang gagawing cheeseburger maya-maya.
2.) Gutom yung magsasaka. O masyado nang mahal yung presyo ng cassava na nabili niya.
3.) Ikaw busog ka. Kasi may pambili ka ng cheesburger at quarter pounder.

Marami, napakarami pang dahilan para unti-unti na nating pwedeng itigil o bawasan ang pagkonsumo ng hayop sa hapag-kainan --- global warming, epekto sa kalusugan, atbp. Pero yan na siguro ang dalawa sa pinakasimpleng dahilan. Wala namang pumipilit sa 'yo, pero sa susunod na pipila ka sa McDo, isipin mo. Isipin mo lang naman. #

Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa: peta2.com 



1 comment:

  1. From Facebook:

    " Matapos kong duguin kaka-comment sa mga komposisyon mo ayaw mo man lang mag-iwan ng "watdahel?" o "baduy!" dito?? Grabe ka."

    -----

    I love you indie-writer!!! mwah mwah mwah mwah tsup stup! galeng! pampagising sa mga nagtutulug-tulugan, panapak sa mga nagbibingi-bingihan! galeng! asteeg!

    ReplyDelete