Mahigit 40 years nang nagmamaneho si Daddy, at sa dinami-rami ng taon na pasahero niya 'ko, lahat na yata ng aral sa kalsada at pagmamaneho naituro na niya. Hindi naman ako sobrang matanda na pero sa dami ng taon na yun, ang dami ko na ring napansing pagbabago sa daan. At minsan, nakakatawang ikumpara yung gawi ng kalsada noon sa gawi ng kalsada ngayon. Eto lang ang ilan:
Sa kalsada ngayon, may tatlong uri ka ng taong makakasalubong. Una, yung naglalakad nang normal. Pangalawa, yung nagte-text habang naglalakad. Pangatlo, yung kaninang nagte-text habang naglalakad, ngayon, nasagasaan na. Hindi ba kasi makapag-intay yung ka-text mo?! Siya pa yung galit 'pag binusinahan mo. Sorry naman.
Sa kalsada ngayon, may tatlong uri ng sasakyan. Una, private. Pangalawa, public. Pangatlo, motorsiklo. Oo, hiwalay sila. Kaya nga may sarili silang lane sa EDSA at Commonwealth eh. At dahil special sila, pwede rin silang mamili kung pedestrian ba sila o sasakyan kahit kailan nila gustuhin.
Sa kalsada ngayon, wala nang may right of way at joining traffic lang. Basta may maiaabot kang pang-meryenda, ikaw ang nasa tama. Epektibo rin 'yan kung DUI ka o kaya napagdesisyunan mong mag-beating the red light dahil masasaraduhan ka na ng drive thru sa McDonald's.
Sa kalsada ngayon, lahat kailangan minamarkahan at binabarikadahan. Green fences para lang di magbuwis-buhay ang nagmamadaling tumawid, "Nakamamatay" signs dahil hindi na yata naiintindihan yung salitang "bawal", mga pink na guhit sa bangketa, urinals, at kung anu-ano pang pampadumi ng daan. Bakit parang nabuhay naman tayo dati sa simpleng pedestrian lane at traffic lights lang?
Sa kalsada kasi ngayon, lahat may kalayaan--- walang gustong magbigayan. Lahat tayo ginagawa lang kung anong gusto natin gawin. Lahat, gusto mauna. 'Pag libre ang daan, kahit pula ang ilaw, gora lang. 'Pag nalalayuan sa footbridge, tawid lang sa kung saang butas kakasya. Paparahin ang sasakyan sa eksaktong dapat babaan, kahit 5 metro lang ang layo ng tamang babaan.
Anong nangyari? Bakit parang sumobra na ang gulo? Babalik na naman ba tayo sa usapin ng tamang pagpapatupad ng batas? O simpleng arogante lang talaga karamihan ngayon ng tao? Siguro pareho.
Kung naalala niyo si Alex Lacson at ang aklat niyang "12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country", ang pagsunod sa batas trapiko ang unang-una sa labindalawa:
"1st : Follow traffic rules. Follow the law
Traffic rules are the most basic of our country’s laws. If we learn to follow them, it could be the lowest form of national discipline we can develop as a people. A culture of discipline is crucial to our destiny as a nation.
Whenever we follow traffic rules, we show our love for our neighbor, our love for the Filipino."
Respeto lang naman eh. "Lang" pero napakalalim niyan kung tutuusin, bilang sobrang gulo na nga sa kalsada ng ka-Maynila-an. At hanggang hindi ako nakakasigurong ligtas na ngang mag-full time ako sa pagmamaneho, Valid ID#1 na lang muna ang Driver's License ko. #
photo credit: House of Wards
No comments:
Post a Comment