Hanggang ngayon naiisip ko pa rin
Ang malawak na bukirin sa gilid ng kalsada
Isang hapong tahimik at madamdamin
Tuwing ako'y pipikit, aking nakikita
Naaamoy ko ang mainit na singaw ng lupa
Habang sinasalubong ang hanging maginaw
Wala akong naririnig kundi ang sarili
Habang kinakausap ang aking sarili
Hindi ako gumagalaw.
Wala akong kakilala.
Walang hangad kundi hanapin ang dapat hanapin.
At tapusin ang dapat tapusin.
Mahaba ang isang buong araw.
Maaalala ko maya't maya lahat ng naiwan
Sasaglit sa isip ang kagustuhang makabalik.
Subalit, ito ang pinili kong buhay
Ito ang nakuha ko sa isang tahaking mahaba.
Mabato. Malubak. Masakit sa mga paa.
Bakit hindi ko tatapusin?
Bakit hindi ko gagawin?
Ang bunga ng kalayaan
Ay kalayaan din para sa iba
Isa, dalawang tao
Hindi na mahalaga.
Ito'y magsisilbing dagundong sa tainga ng bingi
At huni ng tambuli sa tahimik na gabi
Tatawagin lahat ng makarinig
Bibigyang tinig lahat ng inuusig
Ang sakit ng kalamnan ay pansamantala
Ang bali sa paa'y muling magsasara
Subalit ang haba ng lakad ay walang katumbas
Sa isang ibong nagnanais makaalpas. #
Tuesday, March 16, 2010
Thursday, January 28, 2010
KAPIT (Cut Version)
...
Sinabi ko minsan na higit sa tanong na Bakit, mas importante ang 'Paano?'. Mali pala ako. Sa kalagitnaan ng pagtuklas at pagsagot mo sa tanong na 'Paano?', imposibleng hindi mo tanungin ang sarili mo kung 'Bakit?' o 'Para Ano?'.
Para ano nga ba? Sumusulat ako dahil iyon ang nakapagpapagaan ng loob ko. Dahil umaasa akong tatamaan ng pinakamahihinahong salita ang pinakamatitigas ng puso. Umaasa akong maraming mapupukaw na damdamin, maraming isip ang mapapaandar, at maraming kamalayan ang mabubuksan sa pamamagitan ng mga titik. Sa makatuwid, umaasa ako ng pagbabago, dahil naniniwala akong malaki ang pag-asa ng bawat tao sa tulong ng ibang tao.
Gusto kong makamit ang lalim ng isang tunay na manunulat. Gusto kong marating ang isang lugar na wala pang nakakatungtong, isang lugar kung saan mararanasan kong magsakripisyo para sa pag-asa ng ibang tao. Natatakot akong aminin pero pakiramdam ko makabubuti ang paglayo sa mga bagay na ito--- alam kong sa paglayo lamang mailalapit kong muli ang aking sarili sa totoong hangarin para sa bayang ito...
Unti-unti, dahan-dahan.
Walang silbing biglain ang pag-unlad
Bilang tao, bilang lipunan.
Kapag pinanghihinaan ako't nawawalan ng lakas
Alam kong dasal lamang ang katumbas.
Walang ibang kikilos para maabot lahat ito kundi ako.
Balang araw hindi lamang panaginip o guning malay
ang kamumulatan ng aking mga mata.
Isang pangitaing mapayapa, kung saan ang paglubog ng araw
Ay kakulay ng pagsikat nito sa umaga.
Isang malawak at luntiang damuhan
Kung saan ang mga paru-paro'y nagdiriwang ng kalayaan
Kalmado ang alon sa dagat kahit tuluy-tuloy ang agos
Na nanggagaling sa bukana ng lawa.
Marahan ang tunog.
Mabango ang simoy,
Ang amoy ng pag-asa. #

Thursday, January 7, 2010
TIEMPO
(Nakatayo sa kahabaan ng EDSA
katabi ang rebulto ng Mahal na Ina
ng Mapayapang Digma.)
Maingay. Magulo. Mabaho.
Naghihintay. Matagal na naghihintay.
Madulas ang pluma, malinaw ang tinta.
Walang diin sa pagsulat,
Walang hirap sa pagpiga.
Daang kataga ang sa utak ay binibigkas
Mahina. Malakas.
Mabilis, Mabagal.
Walang oras, puwang sa pagal.
Libong titik ang tanaw sa pagtayo.
Maliliit mula sa malayo.
Dilaw na ang gusali sa dilim,
Kung saan makailang ulit nagtanim.
Tingin. Inip. Isip.
Lilipas ang dalawang nakaw na idlip.
Sundan ng tanaw lahat ng maaninag,
Bigyang kahulugan nang ika'y mapanatag.
Hakbang. Tawid. Takbo.
Piglas sa gapos ng labingwalong hukbo.
Abang, sakay. Sakay, baba.
Baba sa daang sindilim ng ulikba.
Ewan.
Basta.
Bahala na. #
katabi ang rebulto ng Mahal na Ina
ng Mapayapang Digma.)
Maingay. Magulo. Mabaho.
Naghihintay. Matagal na naghihintay.
Madulas ang pluma, malinaw ang tinta.
Walang diin sa pagsulat,
Walang hirap sa pagpiga.
Daang kataga ang sa utak ay binibigkas
Mahina. Malakas.
Mabilis, Mabagal.
Walang oras, puwang sa pagal.
Libong titik ang tanaw sa pagtayo.
Maliliit mula sa malayo.
Dilaw na ang gusali sa dilim,
Kung saan makailang ulit nagtanim.
Tingin. Inip. Isip.
Lilipas ang dalawang nakaw na idlip.
Sundan ng tanaw lahat ng maaninag,
Bigyang kahulugan nang ika'y mapanatag.
Hakbang. Tawid. Takbo.
Piglas sa gapos ng labingwalong hukbo.
Abang, sakay. Sakay, baba.
Baba sa daang sindilim ng ulikba.
Ewan.
Basta.
Bahala na. #
Maligayang pagbabalik. Wala namang makahulugan sa petsang ito pero ngayon ko napagdesisyunang buuin muli ang pahinang ito nang walang kasiguruhan kung may magbabasa ba o kung matapos ang ilang taon ay isasara ko muli ito. Kung itatanong mo kung bakit, hindi rin kita masasagot. Ang alam ko lang, nabuo muli ito dahil yun ang gusto ko. Gagawin ko ang naaayon sa kagustuhan ko. Wala nang atrasan.
Subscribe to:
Posts (Atom)