Ayoko nang isipin.
'Pag iniwasan kong isipin,
Hindi ko na pipiliting intindihin.
Hindi naman lahat kailangang intindihin.
Ayoko nang mag-isip.
'Di rin naman masayang mag-isip.
May mangyayari naman kahit pabayaan.
Minsan mas maganda ngang pabayaan.
Baka kailangan ko lang ng katahimikan.
Minsan solusyon din ang katahimikan.
Masyado nang ring maingay ang mundo.
Gusto kong matahimik sa sarili kong mundo.
Pwede bang maging ibang tao na lang ako?
Sana pinanganak na lang uli ako
Bilang ibang taong maraming kapareho.
Minsan masaya ring maraming kapareho.
Hindi rin pala gano'n kadali.
Bakit sa ibang tao gano'n lang kadali?
Dapat ba 'kong magalit sa nakikita ko?
O ang dulo lang nila ang nakikita ko?
Sabi nila meron lang tamang paraan.
Meron nga bang tamang paraan?
Parang ang dami ko nang nasubukan.
Baka naman may hindi pa 'ko nasubukan.
Hindi ko pa rin maintindihan.
Kailangan ko ba talagang maintindihan?
Baka naman masyado lang ako mag-isip.
Pa'no nga ba pinipigilang mag-isip? #