Saturday, November 9, 2013

ANG PAG-IBIG AY ALAALA

Sana ang pag-ibig ay buhangin sa mabatong baybayin,
Kayang lunurin ng dagat,
Lamunin ng alon,
At mahugas ng alat.

Sana ang pag-ibig ay anino sa malawak na dalampasigan,
Kayang saklubin ng dapit-hapon,
Sa pagtawid ng bangka
Sa kabila ng Tulay.

Sana ang pag-ibig ay dahon sa taglagas,
Kayang dalhin ng malakas na hangin
Sa bawat paghampas nito
Sa natutuyo nang mga puno.

Sana ang pag-ibig ay niyebe sa mga sanga,
Kayang matunaw sa pagbungad
Ng isang maaraw na umaga
Sa pagsapit ng Tagsibol.

Ngunit, ang pag-ibig ay alaala.

Ang pag-ibig ay alaala ng tunog ng hampas ng alon,
Sumasabay sa bawat tibok ng pulso sa karagatan.















Ang pag-ibig ay alaala ng tanawin sa paglubog ng araw
Sa mabilis na paglisan ng dapit-hapon sa dalampasigan.















Ang pag-ibig ay alaala ng paglaglag ng mga dahon,
Naiipon sa ipu-ipo ng kahel at luntian sa Taglagas.












Ang pag-ibig ay alaala ng marahang pagpatak ng niyebe,
Tahimik na binabalot ng puti ang paligid sa Taglamig.

















Ang pag-ibig ay damdamin.
Ang damdamin ay kaisipan.
Ang kaisipan ng damdamin ay isang alaala.
Ang pag-ibig, ay alaala. #



Friday, November 1, 2013

SCATTERED

I thought
I was fine.

I woke up on a Tuesday feeling somewhat light.
Light. Golden sun rays peeping through the rusting cold window sills.
Cliches. Cliches. I hate cliches.
But at one point in my life, I may have had to bite on a few.
Bite. And chew.

I thought
I was fine.

But though I only thought I was fine,
I was actually feeling really fine.
Fine. I wasn't.
But it wouldn't help thinking you actually are not.
Because you actually. Are not.

So I choose
To be.

It was not so hard a choice after all,
Thinking, it wouldn't have mattered anyway.
Because it never did. I was only at that point where I thought it did.
Walking now towards the forest clearing, I know it never did.
It never did.

I thought
I was not.
Fine.

Growing seeds of love, hatred, love, pain. Love.
I looked everywhere for that very concept,
For that very idea that everyone told me to be such.
Understanding. That's what I found. Pain. It's surreal.
Surreal. It's pain.

I thought
Thoughts.
Random, scattered trail of thoughts.
Perhaps the river will bring some calm.
Perhaps the seas will cover, divert,
Swallow what's left of it. Of me.

The big sea.
Salty, calm, and blue.
Scattered. Over me. #